-
Genesis 30:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 At ibinigay nito sa kaniya ang alila niyang si Bilha bilang asawa, at sinipingan ito ni Jacob.+ 5 Nagdalang-tao si Bilha at nagkaanak kay Jacob ng isang lalaki. 6 Kaya sinabi ni Raquel: “Ang Diyos ay naging hukom ko at nakinig din siya sa tinig ko, kaya binigyan niya ako ng anak.” Iyan ang dahilan kung bakit niya ito pinangalanang Dan.*+
-
-
Genesis 49:16-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 “Si Dan,+ na isa sa mga tribo ni Israel, ay hahatol sa bayan niya.+ 17 Si Dan nawa ay maging isang ahas sa tabing-daan, isang may-sungay na ahas sa tabi ng daan, na nanunuklaw ng mga sakong ng kabayo kaya nahuhulog sa likuran ang sakay nito.+ 18 Maghihintay ako ng kaligtasan mula sa iyo, O Jehova.
-