-
1 Hari 10:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 Gumawa si Haring Solomon ng 200 malalaking kalasag na gawa sa ginto na may halong ibang metal+ (may 600 siklong* ginto sa bawat kalasag)+ 17 at 300 pansalag* na yari sa ginto na may halong ibang metal (may tatlong mina* ng ginto sa bawat pansalag). Pagkatapos, inilagay ng hari ang mga iyon sa Bahay ng Kagubatan ng Lebanon.+
-
-
1 Hari 14:25-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Sa ikalimang taon ni Haring Rehoboam, sinalakay ni Haring Sisak+ ng Ehipto ang Jerusalem.+ 26 Kinuha niya ang mga kayamanan sa bahay ni Jehova at ang mga kayamanan sa bahay* ng hari.+ Kinuha niya lahat, pati ang lahat ng gintong kalasag na ginawa ni Solomon.+ 27 Kaya gumawa si Haring Rehoboam ng mga tansong kalasag kapalit ng mga iyon, at ipinagkatiwala niya ang mga iyon sa mga pinuno ng mga bantay,* na nagbabantay sa pasukan ng bahay ng hari. 28 Sa tuwing pupunta ang hari sa bahay ni Jehova, dinadala ng mga bantay ang mga iyon; pagkatapos, ibinabalik nila ang mga iyon sa silid ng mga bantay.
-