14 Bukod diyan, inilabas ni Haring Ciro mula sa templo ng Babilonya ang mga sisidlang yari sa ginto at pilak na kinuha noon ni Nabucodonosor mula sa templo ng Diyos sa Jerusalem at dinala sa templo ng Babilonya.+ Ibinigay ang mga iyon kay Sesbazar,*+ na inatasan ni Ciro na maging gobernador.+
16 Pagdating ni Sesbazar, ginawa niya ang mga pundasyon ng bahay ng Diyos+ sa Jerusalem; noon sinimulan ang pagtatayo pero hindi pa ito natatapos hanggang ngayon.’+
1Nang ikalawang taon ni Haring Dario, noong unang araw ng ikaanim na buwan, ang mensahe ni Jehova sa pamamagitan ng propetang si Hagai*+ ay dumating sa gobernador ng Juda na si Zerubabel+ na anak ni Sealtiel at sa mataas na saserdoteng si Josue na anak ni Jehozadak. Ganito ang sinasabi ng mensahe:
14 At pinukaw ni Jehova ang puso*+ ng gobernador ng Juda+ na si Zerubabel na anak ni Sealtiel, ang puso ng mataas na saserdoteng si Josue+ na anak ni Jehozadak, at ang puso ng lahat ng iba pa sa bayan; at nagpunta sila sa bahay ni Jehova ng mga hukbo na Diyos nila at sinimulan nilang gawin iyon.+
23 “‘Sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘kukunin kita, lingkod kong Zerubabel+ na anak ni Sealtiel,’+ ang sabi ni Jehova, ‘at gagawin kitang gaya ng singsing na pantatak, dahil ikaw ang pinili ko,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.”