4 At wala tayong itinirang bayan sa kanila. Sinakop natin ang lahat ng lunsod—60 lunsod, ang buong rehiyon ng Argob, na kaharian ni Og sa Basan.+ 5 Ang lahat ng lunsod na ito ay may matataas na pader, mga pintuang-daan, at halang. Sinakop din natin ang napakaraming maliliit na bayan.