Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Job 2:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 At dumating ang araw na ang mga anak ng tunay na Diyos*+ ay tumayo sa harap ni Jehova,+ at sumama rin si Satanas para tumayo sa harap ni Jehova.+

      2 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas kay Jehova: “Lumibot-libot ako sa lupa at nagpagala-gala roon.”+ 3 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Napansin mo ba ang* lingkod kong si Job? Wala siyang katulad sa lupa. Siya ay matuwid at tapat,*+ natatakot siya sa Diyos, at itinatakwil niya ang kasamaan. Tapat pa rin siya+ kahit inuudyukan mo akong pahirapan* siya+ nang walang dahilan.”

  • Zacarias 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 At ipinakita niya sa akin ang mataas na saserdoteng si Josue+ na nakatayo sa harap ng anghel ni Jehova, at si Satanas+ ay nakatayo sa kaniyang kanan para kalabanin siya.

  • Mateo 4:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Pagkatapos, inakay si Jesus ng espiritu papunta sa ilang, kung saan siya tinukso+ ng Diyablo.+

  • Mateo 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Lumapit sa kaniya ang Manunukso+ at nagsabi: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.”

  • Lucas 22:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 “Simon, Simon, hinihingi kayo ni Satanas para masala niya kayong lahat na gaya ng trigo.+

  • Juan 13:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Naghahapunan sila noon,* at inilagay na ng Diyablo sa puso ni Hudas Iscariote,+ na anak ni Simon, na magtraidor kay Jesus.+

  • Apocalipsis 12:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Kaya inihagis ang malaking dragon,+ ang orihinal na ahas,+ ang tinatawag na Diyablo+ at Satanas,+ na nagliligaw sa buong mundo;+ inihagis siya sa lupa,+ at ang mga anghel niya ay inihagis na kasama niya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share