Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 22:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Pero ito ang sasabihin ninyo sa hari ng Juda na nagsugo sa inyo para sumangguni kay Jehova, “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel tungkol sa mga salitang narinig mo: 19 ‘Dahil maamo ka* at nagpakumbaba ka+ sa harap ni Jehova nang marinig mo ang sinabi ko laban sa lugar na ito at sa mga nakatira dito—na susumpain sila at mangingilabot ang mga tao sa mangyayari sa kanila—at pinunit mo ang damit mo+ at umiyak ka sa harap ko, pinakinggan din kita, ang sabi ni Jehova.

  • 2 Cronica 33:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Patuloy siyang nanalangin sa Diyos, at naawa ang Diyos sa kaniya dahil sa mga pakiusap niya at dininig ng Diyos ang pagmamakaawa niya at ibinalik siya sa Jerusalem para muling maghari.+ At nalaman ni Manases na si Jehova ang tunay na Diyos.+

  • Awit 22:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 Dahil hindi niya hinahamak o binabale-wala ang pagdurusa ng naaapi;+

      Hindi niya itinatago ang mukha niya rito.+

      Nang humingi ito ng tulong sa kaniya, nakinig siya.+

  • Awit 34:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Si Jehova ay malapit sa mga may pusong nasasaktan;+

      Inililigtas niya ang mga nasisiraan ng loob.*+

  • Kawikaan 28:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Ang nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi magtatagumpay,+

      Pero ang nagtatapat at tumatalikod sa mga iyon ay kaaawaan.+

  • Isaias 57:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Dahil ito ang sinabi ng Mataas at Matayog na Diyos,

      Na nabubuhay* nang walang hanggan+ at may banal na pangalan:+

      “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar,+

      Pero kasama rin ako ng mga nagdurusa at mga mapagpakumbaba,

      Para pasiglahin ang mga hamak

      At palakasin ang puso ng mga nagdurusa.+

  • Lucas 15:22-24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Pero sinabi ng ama sa mga alipin niya, ‘Dali! Maglabas kayo ng mahabang damit, ang pinakamaganda, at isuot ninyo iyon sa kaniya. Suotan din ninyo siya ng singsing at sandalyas. 23 At kumuha kayo ng pinatabang guya,* patayin* ninyo iyon, at kumain tayo at magdiwang, 24 dahil ang anak kong ito ay patay na pero muling nabuhay;+ siya ay nawala at natagpuan.’ At nagsimula silang magsaya.+

  • Lucas 18:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Pero ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw man lang tumingala sa langit, kundi patuloy niyang sinusuntok ang dibdib niya at sinasabi, ‘O Diyos, maawa ka sa akin na isang makasalanan.’+ 14 Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong ito at napatunayang mas matuwid kaysa sa Pariseong iyon.+ Dahil ang bawat isa na nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, pero ang sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share