Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 4:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Pagkaraan nito, sinabi ni Jehova kay Cain: “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” Sumagot siya: “Hindi ko alam. Ako ba ang tagapag-alaga ng kapatid ko?” 10 Kaya sinabi Niya: “Ano ang ginawa mo? Pakinggan mo! Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng kapatid mo.+

  • Genesis 9:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Bukod diyan, pananagutin ko ang magpapadanak ng dugo ninyo.* Kung patayin kayo ng isang buháy na nilalang, dapat itong mamatay. Kung patayin ng isang tao ang kapuwa niya, dapat siyang patayin, dahil pinadanak niya ang dugo ng kapatid niya.+

  • Deuteronomio 32:43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 43 Matuwa kayo, mga bansa, kasama ang bayan niya,+

      Dahil ipaghihiganti niya ang dugo ng mga lingkod niya,+

      At maghihiganti siya sa mga kalaban niya+

      At magbabayad-sala para sa* lupa ng bayan niya.”

  • 2 Hari 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 At kinuha ni Jehu ang kaniyang pana at pinana sa likod si Jehoram, at ang palaso ay tumagos sa puso nito, at bumagsak ito sa loob ng karwaheng pandigma nito.

  • 2 Hari 9:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 ‘“Nakita ko kahapon ang dugo ni Nabot+ at ang dugo ng mga anak niya,” ang sabi ni Jehova. “Titiyakin kong magbabayad ka+ sa mismong bukid na ito,” ang sabi ni Jehova.’ Kaya ngayon, buhatin mo siya at ihagis sa bukid, gaya ng sinabi ni Jehova.”+

  • 2 Hari 24:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Nangyari ito sa Juda ayon sa utos ni Jehova, para maalis niya sila sa harapan niya+ dahil sa lahat ng kasalanang ginawa ni Manases,+ 4 at dahil din sa pinadanak nitong dugo ng inosenteng mga tao;+ pinuno nito ang Jerusalem ng dugo ng inosenteng mga tao at ayaw magpatawad ni Jehova.+

  • Lucas 11:49-51
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 49 Kaya naman, dahil sa karunungan ng Diyos, sinabi niya: ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at apostol, at pag-uusigin nila at papatayin ang ilan sa mga ito,+ 50 kaya puwedeng singilin sa henerasyong ito ang dugo ng lahat ng propetang pinatay mula nang itatag ang sanlibutan,+ 51 mula sa dugo ni Abel+ hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng altar at ng templo.’+ Oo, sinasabi ko sa inyo, sisingilin iyon sa henerasyong ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share