Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 4:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 “Mag-ingat lang kayo at bantayan ninyo ang inyong sarili, para hindi ninyo malimutan ang mga bagay na nakita ninyo mismo at hindi mahiwalay ang mga iyon sa puso ninyo habambuhay. Ipaaalam din ninyo ang mga iyon sa inyong mga anak at apo.+

  • Deuteronomio 6:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Ang mga salitang ito na iniuutos ko sa inyo ngayon ay dapat na nasa puso ninyo, 7 at itanim ninyo ito sa puso ng* mga anak ninyo,+ at kausapin ninyo sila tungkol dito kapag nakaupo kayo sa inyong bahay, kapag naglalakad sa daan, kapag nakahiga, at kapag bumabangon.+

  • Deuteronomio 6:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 sabihin ninyo sa anak ninyo, ‘Naging mga alipin kami ng Paraon sa Ehipto, pero inilabas kami ni Jehova sa Ehipto gamit ang makapangyarihang kamay niya.

  • Deuteronomio 11:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 “Ang mga sinabi ko ay itanim ninyo sa inyong puso at kaluluwa,* at lagi ninyo itong alalahanin na para bang nakatali ito sa inyong kamay at sa inyong noo.*+ 19 Ituro ninyo ito sa mga anak ninyo; kausapin ninyo sila tungkol dito kapag nakaupo kayo sa inyong bahay, kapag naglalakad sa daan, kapag nakahiga, at kapag bumabangon.+

  • Josue 4:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 para magsilbing paalaala sa inyo. Sa hinaharap, kapag tinanong kayo ng mga anak ninyo, ‘Bakit po mayroon kayo ng mga batong ito?’+ 7 sabihin ninyo sa kanila: ‘Dahil ang tubig ng Jordan ay tumigil sa harap ng kaban+ ng tipan ni Jehova. Nang dumaan ito sa Jordan, huminto ang tubig ng Jordan. Ang mga batong ito ay magsisilbing paalaala sa mga Israelita magpakailanman.’”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share