-
Deuteronomio 1:43Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
43 Kaya kinausap ko kayo, pero hindi kayo nakinig. Sumuway kayo sa utos ni Jehova at nangahas na umakyat sa bundok.
-
-
2 Hari 17:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Paulit-ulit na nagbabala si Jehova sa Israel at Juda sa pamamagitan ng lahat ng propeta at ng bawat lingkod niyang nakakakita ng pangitain:+ “Tigilan na ninyo ang masasamang ginagawa ninyo!+ Sundin ninyo ang mga utos at tuntunin ko, ang lahat ng kautusang ibinigay ko sa mga ninuno ninyo at ipinaabot ko sa inyo sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta.” 14 Pero hindi sila nakinig, at nanatiling matigas ang ulo nila* gaya ng mga ninuno nila na hindi nanampalataya kay Jehova na kanilang Diyos.+
-