Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 16:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Nang matuyo ang hamog, may naiwan sa ilang na pinong mga butil,+ na kasimpino ng niyebe na nasa lupa.

  • Exodo 16:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 35 Kumain ng manna ang mga Israelita sa loob ng 40 taon,+ hanggang sa dumating sila sa isang lupaing may mga nakatira na.+ Kinain nila ang manna hanggang sa makarating sila sa hangganan papasók sa Canaan.+

  • Exodo 16:31, 32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 At ang tinapay ay tinawag ng bayang Israel na “manna.”* Maputi ito na tulad ng buto ng kulantro,* at ang lasa nito ay tulad ng lapád na tinapay na may pulot-pukyutan.+ 32 Pagkatapos ay sinabi ni Moises: “Ito ang iniutos ni Jehova, ‘Kumuha kayo ng isang takal na omer nito at itabi ninyo para sa susunod na mga henerasyon ninyo,+ para makita nila ang tinapay na ipinakain ko sa inyo sa ilang noong ilabas ko kayo sa Ehipto.’”

  • Bilang 11:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Ang manna+ ay parang buto ng kulantro*+ at kakulay ng dagtang bedelio.

  • Deuteronomio 8:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Kaya tinuruan niya kayo na maging mapagpakumbaba, hinayaan kayong magutom,+ at pinakain ng manna,+ na hindi pamilyar sa inyo o sa mga ama ninyo, para malaman ninyo na ang tao ay nabubuhay, hindi lang sa tinapay, kundi sa bawat salitang sinasabi* ni Jehova.+

  • Juan 6:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 Kinain ng mga ninuno namin ang manna sa ilang,+ gaya ng nasusulat: ‘Binigyan niya sila ng tinapay na mula sa langit.’”+

  • 1 Corinto 10:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 at lahat ay nabautismuhan habang sumusunod kay Moises sa pamamagitan ng ulap at ng dagat, 3 at lahat ay kumain ng iisang espirituwal na pagkain*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share