Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 4:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 34 O may kinuha na bang bansa ang Diyos mula sa gitna ng ibang bansa sa pamamagitan ng mga hatol,* tanda, himala,+ digmaan,+ isang makapangyarihang kamay,+ isang unat na bisig, at nakakatakot na mga gawa,+ gaya ng nakita ninyong ginawa sa Ehipto ng Diyos ninyong si Jehova para sa inyo?

  • Nehemias 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Pagkatapos, gumawa ka ng mga tanda at himala para parusahan ang Paraon, ang lahat ng lingkod niya, at ang lahat ng nasa lupain niya+ dahil alam mong pinahirapan nila ang iyong bayan.+ Ipinakilala mo ang iyong pangalan na nananatiling tanyag hanggang ngayon.+

  • Awit 105:27-36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 27 Ipinakita nila sa mga ito ang kaniyang mga tanda,

      Sa lupain ni Ham ang mga himala niya.+

      28 Nagsugo siya ng kadiliman at nagdilim sa lupain;+

      Hindi sila naghimagsik laban sa mga salita niya.

      29 Ginawa niyang dugo ang tubig nila*

      At pinatay ang kanilang mga isda.+

      30 Napuno ng palaka ang lupain nila,+

      Kahit ang mga silid sa palasyo.

      31 Inutusan niyang sumalakay ang nangangagat na mga langaw

      At ang mga niknik* sa lahat ng teritoryo nila.+

      32 Ginawa niyang yelo* ang kanilang ulan,

      At nagpadala siya ng kidlat* sa lupain nila.+

      33 Pininsala niya ang kanilang mga puno ng ubas at igos

      At sinira ang mga puno sa teritoryo nila.

      34 Inutusan niyang sumalakay ang mga balang,

      Mga batang balang na hindi mabilang.+

      35 Nilamon ng mga iyon ang lahat ng pananim sa lupain,

      Nilamon ng mga iyon ang mga bunga ng lupa.

      36 At pinatay niya ang lahat ng panganay sa lupain nila,+

      Ang pasimula ng kanilang kakayahang magkaanak.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share