Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 2:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  2 Sa huling bahagi ng mga araw,*

      Ang bundok ng bahay ni Jehova

      Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,+

      At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,

      At dadagsa roon ang lahat ng bansa.+

       3 At maraming bayan ang magpupunta roon at magsasabi:

      “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova,

      Sa bahay ng Diyos ni Jacob.+

      Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,

      At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+

      Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,

      At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.+

  • Zacarias 14:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 At si Jehova ay magiging Hari sa buong lupa.+ Sa araw na iyon, si Jehova ay magiging iisa,*+ at ang pangalan niya ay magiging iisa.+

  • Apocalipsis 7:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Pagkatapos nito ay nakita ko ang isang malaking pulutong, na hindi mabilang ng sinumang tao, mula sa lahat ng bansa at tribo at bayan at wika,+ na nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Kordero at nakasuot ng mahabang damit na puti;+ at may hawak silang mga sanga ng palma.+ 10 At patuloy silang sumisigaw nang malakas: “Ang kaligtasan ay utang namin sa ating Diyos, na nakaupo sa trono,+ at sa Kordero.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share