-
Job 14:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 O itago mo nawa ako sa Libingan;*+
Itago mo ako hanggang sa mawala ang galit mo;
Magtakda ka nawa ng panahon at alalahanin mo ako!+
14 Kung mamatay ang isang tao, mabubuhay pa ba siyang muli?+
Sa lahat ng araw ng aking sapilitang pagtatrabaho, maghihintay ako
Hanggang sa dumating ang kaginhawahan ko.+
-
-
Gawa 13:34-37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
34 Binuhay siyang muli ng Diyos at hindi na siya kailanman babalik sa kasiraan.* Inihula Niya ito sa ganitong paraan: ‘Ipapakita ko sa iyo ang tapat na pag-ibig na ipinangako ko kay David, at ito ay mapagkakatiwalaan.’*+ 35 Kaya sinasabi rin sa isa pang awit: ‘Ang katawan ng tapat sa iyo ay hindi mo hahayaang mabulok.’+ 36 Si David ay naglingkod sa Diyos nang buong buhay niya, namatay,* inilibing kasama ng mga ninuno niya, at nabulok ang katawan.+ 37 Pero ang katawan ng isang ito na binuhay-muli ng Diyos ay hindi nabulok.+
-