-
Bilang 25:11-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 “Nawala ang galit ko sa bayan ng Israel dahil kay Pinehas+ na anak ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote. Hindi niya hinayaang magkaroon ako ng karibal sa gitna nila+ dahil humihiling ako ng bukod-tanging debosyon.*+ Kaya naman hindi ko nilipol ang mga Israelita. 12 Dahil dito, sabihin mo, ‘Nakikipagtipan ako sa kaniya para sa kapayapaan. 13 Iyon ay magiging tipan ng pagkasaserdote hanggang sa panahong walang takda para sa kaniya at sa mga supling niya,+ dahil hindi niya hinayaang magkaroon ng karibal ang Diyos niya+ at dahil nagbayad-sala siya para sa bayan ng Israel.’”
-