Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 12:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 Huwag ninyong gagawin iyon sa Diyos ninyong si Jehova, dahil ginagawa nila para sa mga diyos nila ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na kinapopootan ni Jehova; sinusunog pa nga nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae bilang hain sa mga diyos nila.+

  • 2 Hari 16:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Nang ika-17 taon ni Peka na anak ni Remalias, si Ahaz+ na anak ni Haring Jotam ng Juda ay naging hari.

  • 2 Hari 16:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Sa halip, tinularan niya ang mga hari ng Israel,+ at sinunog pa nga niya* ang sarili niyang anak bilang handog;+ tinularan niya ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansang+ itinaboy ni Jehova mula sa harap ng mga Israelita.

  • 2 Hari 17:17, 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Sinunog din nila ang mga anak nilang lalaki at babae bilang handog,+ nanghula sila+ at naghanap ng mga tanda, at nagpakalugmok sila* sa paggawa ng masama sa paningin ni Jehova para galitin siya.

      18 Galit na galit si Jehova sa Israel, kaya inalis niya sila sa harapan niya.+ Wala siyang itinira maliban sa tribo ng Juda.

  • Jeremias 7:30, 31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 ‘Dahil ginawa ng bayan ng Juda ang masama sa paningin ko,’ ang sabi ni Jehova. ‘Inilagay nila ang kanilang kasuklam-suklam na mga idolo sa bahay na tinatawag sa pangalan ko, para dungisan iyon.+ 31 Itinayo nila ang matataas na lugar ng Topet, na nasa Lambak ng Anak ni Hinom,*+ para sunugin ang kanilang mga anak na lalaki at babae,+ isang bagay na hindi ko iniutos at hindi man lang sumagi sa isip ko.’*+

  • 1 Corinto 10:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Hindi; ang ibig kong sabihin, ang inihahandog ng mga bansa ay inihahandog nila sa mga demonyo at hindi sa Diyos;+ at ayokong makisama kayo sa mga demonyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share