-
Hukom 6:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Pero muling ginawa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Jehova,+ kaya ibinigay sila ni Jehova sa kamay ng Midian sa loob ng pitong taon.+ 2 Pinagmalupitan ng Midian ang Israel.+ Dahil sa Midian, gumawa ang mga Israelita ng mga taguan nila* sa mga bundok, sa mga kuweba, at sa mga lugar na mahirap puntahan.+ 3 Kapag nagtatanim ang Israel, sinasalakay sila ng Midian, Amalek,+ at ng mga taga-Silangan.+ 4 Nagkakampo sila para salakayin ang Israel at sinisira nila ang ani ng lupa hanggang sa Gaza, at wala silang itinitirang pagkain, tupa, toro, o asno para sa Israel.+ 5 Dahil sumasalakay silang sindami ng mga balang+ kasama ang kanilang mga alagang hayop at tolda. Hindi sila mabilang, pati ang kanilang mga kamelyo,+ at lumulusob sila sa lupain para sirain iyon.
-