Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Job 26:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Tingnan mo! Mga gilid lang ito ng kaniyang mga daan;+

      Mahinang bulong pa lang ang narinig tungkol sa kaniya!

      Kaya sino ang makauunawa sa malakas na kulog niya?”+

  • Job 42:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  3 Sinabi mo, ‘Sino ba itong nagpapalabo ng payo ko nang walang alam?’+

      Totoo, nagsalita ako kahit wala akong alam

      Tungkol sa mga bagay na masyadong kamangha-mangha para sa akin, na hindi ko naiintindihan.+

  • Awit 40:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  5 Napakarami mong ginawa,

      O Jehova na aking Diyos,

      Ang iyong kamangha-manghang mga gawa at ang mga iniisip mo para sa amin.+

      Walang maikukumpara sa iyo;+

      Subukan ko mang sabihin ang tungkol sa mga iyon,

      Hindi ko mababanggit ang lahat ng iyon dahil sa dami!+

  • Roma 11:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 33 Talagang kahanga-hanga ang saganang pagpapala,* karunungan, at kaalaman ng Diyos! Di-maabot ng isipan ang mga hatol niya at di-matunton ang mga daan niya!+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share