Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 15:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Sinabi naman ni Samuel: “Alin ang mas makapagpapasaya kay Jehova: ang mga handog na sinusunog at mga hain,+ o ang pagsunod kay Jehova? Makinig ka! Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa sa hain,+ at ang pagbibigay-pansin kaysa sa taba+ ng mga lalaking tupa;

  • Isaias 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 “Ano ang pakinabang ko sa marami ninyong handog?”+ ang sabi ni Jehova.

      “Sawa na ako sa inyong mga lalaking tupa bilang handog na sinusunog+ at sa taba ng pinataba ninyong mga hayop,+

      At hindi ako nalulugod sa dugo+ ng mga batang toro+ at mga kordero* at mga kambing.+

  • Jeremias 7:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Dahil nang araw na ilabas ko ang mga ninuno ninyo sa lupain ng Ehipto, wala akong sinabi o iniutos sa kanila tungkol sa buong handog na sinusunog at hain.+ 23 Ito ang iniutos ko sa kanila: “Makinig kayo sa tinig ko, at ako ay magiging Diyos ninyo, at kayo ay magiging bayan ko.+ Lumakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos kong lakaran ninyo para mapabuti kayo.”’+

  • Oseas 6:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 Dahil tapat na pag-ibig* ang gusto ko at hindi hain,

      At kaalaman sa Diyos, sa halip na mga buong handog na sinusunog.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share