7 Pero sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa hitsura niya at kung gaano siya katangkad;+ hindi ko siya pinili. Dahil ang pagtingin ng tao ay hindi gaya ng pagtingin ng Diyos. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo,* pero si Jehova ay tumitingin sa puso.”+
3 “Nakikiusap ako sa iyo, O Jehova, alalahanin mong lumakad ako sa harap mo* nang may katapatan at buong puso, at ginawa ko ang mabuti sa paningin mo.”+ At umiyak nang husto si Hezekias.
17 Alam na alam ko, O aking Diyos, na sinusuri mo ang puso+ at nalulugod ka sa katapatan.*+ Taos-puso* kong inihahandog ang lahat ng ito, at masayang-masaya akong makita ang bayan mo na narito ngayon na kusang-loob na naghahandog sa iyo.