Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 15:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Sinabi naman ni Samuel: “Alin ang mas makapagpapasaya kay Jehova: ang mga handog na sinusunog at mga hain,+ o ang pagsunod kay Jehova? Makinig ka! Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa sa hain,+ at ang pagbibigay-pansin kaysa sa taba+ ng mga lalaking tupa; 23 dahil ang pagrerebelde+ ay katulad ng kasalanan na panghuhula,+ at ang kapangahasan ay katulad ng paggamit ng kapangyarihan ng mahika at idolatriya.* Dahil itinakwil mo ang salita ni Jehova,+ itinatakwil ka niya mula sa pagiging hari.”+

  • Oseas 6:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 Dahil tapat na pag-ibig* ang gusto ko at hindi hain,

      At kaalaman sa Diyos, sa halip na mga buong handog na sinusunog.+

  • Mikas 6:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 Matutuwa ba si Jehova sa libo-libong lalaking tupa,

      Sa napakaraming langis?+

      Ibibigay ko ba ang panganay kong lalaki para sa aking pagkakamali,

      Ang sarili kong anak para sa aking kasalanan?+

       8 Sinabi niya sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti.

      At ano lang ang hinihiling sa iyo ni Jehova?

      Ang maging makatarungan,*+ ibigin ang katapatan,*+

      At maging mapagpakumbaba*+ sa paglakad na kasama ng iyong Diyos!+

  • Mateo 12:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Kung naintindihan ninyo ang kahulugan nito, ‘Ang gusto ko ay awa+ at hindi hain,’+ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang-sala.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share