-
Isaias 44:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Ang gawain naman ng isa ay pumutol ng mga sedro.
Pumipili siya ng isang uri ng puno, ang ensina,
At inaalagaan niya iyon kasama ng mga puno sa kagubatan.+
Nagtatanim siya ng puno ng laurel, at pinalalago iyon ng ulan.
15 At ginagamit iyon ng tao para magpaningas ng apoy.
Kukunin niya ang isang bahagi nito para makapagpainit;
Nagpapaapoy siya at nagluluto ng tinapay.
Pero gumagawa rin siya ng isang diyos at sinasamba iyon.
Ginagawa niya itong isang inukit na imahen, at niyuyukuran niya iyon.+
-