Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 30:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 “Kapag nangyari sa inyo ang lahat ng salitang ito, ang pagpapala at ang sumpa na iniharap ko sa inyo,+ at naalaala ninyo ang mga ito+ kapag naroon na kayo sa mga bansa kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova,+ 2 at kayo at ang mga anak ninyo ay nanumbalik sa Diyos ninyong si Jehova+ at nakinig sa tinig niya at sumunod nang buong puso at kaluluwa sa lahat ng iniuutos ko sa inyo ngayon,+ 3 ibabalik ng Diyos ninyong si Jehova ang mga nabihag sa inyo+ at magpapakita siya ng awa+ at muli kayong titipunin mula sa lahat ng bayan kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova.+

  • Isaias 66:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Dadalhin nila ang lahat ng kapatid ninyo mula sa lahat ng bansa+ bilang kaloob kay Jehova, sakay ng mga kabayo, mga karwahe, may-takip na mga karwahe, mga mula,* at ng matutuling kamelyo, papunta sa aking banal na bundok, ang Jerusalem,” ang sabi ni Jehova, “gaya ng pagdadala ng bayang Israel sa bahay ni Jehova ng kanilang mga kaloob na nasa isang malinis na sisidlan.”

  • Jeremias 24:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Babantayan ko sila para mapabuti sila, at pababalikin ko sila sa lupaing ito.+ Itatayo ko sila, at hindi ko sila pababagsakin; itatanim ko sila, at hindi ko sila bubunutin.+

  • Ezekiel 36:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 Kukunin ko kayo mula sa mga bansa at titipunin mula sa lahat ng lupain, at ibabalik ko kayo sa lupain ninyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share