Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 19:14-19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Kinuha ni Hezekias ang mga liham mula sa mga mensahero at binasa ang mga iyon. Pagkatapos, pumunta si Hezekias sa bahay ni Jehova at inilatag ang mga iyon* sa harap ni Jehova.+ 15 At nanalangin si Hezekias+ sa harap ni Jehova: “O Jehova na Diyos ng Israel, na nakaupo sa trono sa ibabaw* ng mga kerubin,+ ikaw lang ang tunay na Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa.+ Ikaw ang gumawa ng langit at ng lupa. 16 O Jehova, pakinggan mo ako!+ Buksan mo ang mga mata mo,+ O Jehova, at tingnan mo! Pakinggan mo ang mensaheng ipinadala ni Senakerib para insultuhin ang Diyos na buháy. 17 Totoo, O Jehova, na nawasak ng mga hari ng Asirya ang mga bansa at ang mga lupain nila.+ 18 At naihagis nila sa apoy ang mga diyos ng mga ito, dahil hindi diyos ang mga iyon+ kundi mga gawa ng kamay ng tao,+ mga kahoy at bato. Kaya nawasak nila ang mga iyon. 19 Pero ngayon, O Jehova na aming Diyos, pakisuyong iligtas mo kami mula sa kamay niya, para malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw lang ang Diyos, O Jehova.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share