-
2 Hari 19:35-37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
35 Nang gabing iyon, pinatay ng anghel ni Jehova ang 185,000 sundalo sa kampo ng mga Asiryano.+ Paggising ng mga tao kinaumagahan, nakita nila ang lahat ng bangkay.+ 36 Kaya si Haring Senakerib ng Asirya ay umalis at bumalik sa Nineve+ at nanatili roon.+ 37 At habang yumuyukod siya sa bahay* ng diyos niyang si Nisroc, pinatay siya ng sarili niyang mga anak na sina Adramelec at Sarezer sa pamamagitan ng espada,+ at tumakas sila papunta sa lupain ng Ararat.+ At ang anak niyang si Esar-hadon+ ang naging hari kapalit niya.
-
-
2 Cronica 32:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
21 Pagkatapos, nagsugo si Jehova ng isang anghel at nilipol ang lahat ng malalakas na mandirigma,+ lider, at pinuno sa kampo ng hari ng Asirya, kaya bumalik ang hari sa sarili niyang lupain na punô ng kahihiyan. Nang maglaon, pumasok siya sa bahay* ng kaniyang diyos, at pinatay siya roon ng ilan sa mga anak niya sa pamamagitan ng espada.+
-