15 “Pero kung hindi kayo makikinig sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova at hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng utos at batas niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, mapapasainyo ang lahat ng sumpang ito:+
36 Kayo at ang haring pinili ninyong mamahala sa inyo ay dadalhin ni Jehova sa isang bansa na hindi ninyo kilala, pati ng mga ninuno ninyo,+ at maglilingkod kayo roon sa ibang mga diyos, mga diyos na kahoy at bato.+
15 Ipinatapon niya si Jehoiakin+ sa Babilonya;+ kinuha rin niya sa Jerusalem ang ina ng hari, mga asawa ng hari, mga opisyal nito sa palasyo, at ang mga prominenteng tao sa lupain, at ipinatapon niya ang mga ito sa Babilonya.
7 Pinatay nila ang mga anak ni Zedekias sa harap niya; pagkatapos, binulag ni Nabucodonosor si Zedekias, iginapos ng kadenang tanso, at dinala sa Babilonya.+
13 Ihahagis ko sa kaniya ang aking lambat para sa pangangaso at mahuhuli siya nito.+ At dadalhin ko siya sa Babilonya, sa lupain ng mga Caldeo, pero hindi niya iyon makikita; at doon siya mamamatay.+
3 At iniutos ng hari sa kaniyang punong opisyal sa palasyo na si Aspenaz na dalhin ang ilang Israelita, kasama ang mga anak ng mga hari at mga maharlika.+