-
Daniel 3:26, 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
26 Lumapit si Nabucodonosor sa pinto ng nagniningas na hurno, at sinabi niya: “Sadrac, Mesac, at Abednego, kayong mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos,+ lumabas kayo riyan!” At lumabas sa nagniningas na hurno sina Sadrac, Mesac, at Abednego. 27 At nakita ng mga satrapa, prepekto, gobernador, at matataas na opisyal ng hari na nagkakatipon doon+ na hindi napinsala ng apoy ang* katawan ng mga lalaking ito;+ walang isa mang buhok sa ulo nila ang nasunog, walang nagbago sa mga balabal nila, at hindi man lang sila nangamoy-usok.
-