Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 30:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Ngayon ay huwag ninyong tularan ang katigasan ng ulo ng mga ninuno ninyo.+ Magpasakop kayo kay Jehova at pumunta kayo sa kaniyang santuwaryo+ na ginawa niyang banal magpakailanman at maglingkod kayo sa Diyos ninyong si Jehova, para mawala ang nag-aapoy na galit niya sa inyo.+ 9 Dahil kung magbabalik-loob kayo kay Jehova, ang mga kapatid at ang mga anak ninyo ay kaaawaan ng mga bumihag sa kanila+ at papahintulutang bumalik sa lupaing ito,+ dahil ang Diyos ninyong si Jehova ay mapagmalasakit* at maawain,+ at hindi niya kayo tatalikuran kung magbabalik-loob kayo sa kaniya.”+

  • Jeremias 18:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Kapag sinabi kong bubunutin ko, ibababa, at lilipulin ang isang bansa o kaharian,+ 8 at tinalikuran ng bansang iyon ang kasamaan nito na hinatulan ko, magbabago ako ng isip tungkol sa* kapahamakang ipinasiya kong pasapitin doon.+

  • Zefanias 2:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  2 Bago ipatupad ang batas,

      Bago lumipas ang araw na gaya ng ipa na tinangay ng hangin,

      Bago dumating sa inyo ang nag-aapoy na galit ni Jehova,+

      Bago dumating sa inyo ang araw ng galit ni Jehova,

       3 Hanapin ninyo si Jehova,+ kayong lahat na maaamo* sa lupa,

      Na sumusunod sa matuwid na mga batas* niya.

      Hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan.*

      Baka sakaling makubli kayo sa araw ng galit ni Jehova.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share