Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 12:22-28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Pagkatapos, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Kaya naman sinasabi ko sa inyo, huwag na kayong mag-alala kung ano ang kakainin o isusuot ninyo,+ 23 dahil mas mahalaga ang buhay* kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa damit. 24 Tingnan ninyo ang mga uwak: Hindi sila nagtatanim o umaani; wala silang imbakan ng pagkain; pero pinakakain sila ng Diyos.+ Di-hamak na mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon, hindi ba?+ 25 Sino sa inyo ang makapagpapahaba nang kahit kaunti sa buhay niya dahil sa pag-aalala? 26 Kaya kung hindi ninyo magawa kahit ang maliit na bagay na iyon, bakit kayo mag-aalala tungkol sa iba pang bagay?+ 27 Tingnan ninyo kung paano tumutubo ang mga liryo: Hindi sila nagtatrabaho o nananahi; pero sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon, sa kabila ng karangyaan niya, ay hindi nakapagdamit na gaya ng isa sa mga ito.+ 28 Kung ganito dinaramtan ng Diyos ang pananim, na nasa parang ngayon at bukas ay ihahagis sa pugon, tiyak na mas daramtan niya kayo, kayo na may maliit na pananampalataya!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share