Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 7:1-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Nang masabi na niya sa mga tao ang lahat ng gusto niyang sabihin, pumasok siya sa Capernaum. 2 At isang opisyal ng hukbo ang may aliping may sakit at malapit nang mamatay. Mahal na mahal ito ng opisyal.+ 3 Kaya nang marinig niya ang tungkol kay Jesus, nagsugo siya ng ilang matatandang lalaki ng mga Judio para hilingin kay Jesus na puntahan ang alipin niya at pagalingin ito. 4 Pumunta sila kay Jesus at nakiusap: “Karapat-dapat mo siyang pagbigyan, 5 dahil mahal niya ang bansa natin at siya mismo ang nagpatayo ng sinagoga rito.” 6 Kaya sumama si Jesus sa kanila. Pero nang malapit na siya sa bahay ng opisyal ng hukbo, may isinugo na itong mga kaibigan para sabihin sa kaniya: “Ginoo, huwag ka nang mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan mo sa bahay.+ 7 Hindi ko rin itinuturing ang sarili ko na karapat-dapat na pumunta sa iyo. Pero sabihin mo lang na gumaling siya at gagaling ang lingkod ko. 8 Dahil ako rin ay nasa ilalim ng awtoridad ng iba, at may hawak din akong mga sundalo. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon!’ nagpupunta siya, at sa isa pa, ‘Halika!’ lumalapit siya, at sa alipin ko, ‘Gawin mo ito!’ ginagawa niya iyon.” 9 Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya, at tumingin siya sa mga taong sumusunod sa kaniya at sinabi niya: “Sinasabi ko sa inyo, kahit sa Israel, wala pa akong nakita na may ganito kalaking pananampalataya.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share