Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 3:14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 At pumili* siya ng 12 at tinawag niya silang mga apostol. Sila ang makakasama niya at isusugo para mangaral+ 15 at bibigyan ng awtoridad na magpalayas ng mga demonyo.+

  • Marcos 6:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Tinawag niya ngayon ang 12 apostol at sinimulan silang isugo nang dala-dalawa,+ at binigyan niya sila ng awtoridad na magpalayas ng masasamang espiritu.+

  • Lucas 9:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Pagkatapos, tinawag niya ang 12 apostol at binigyan sila ng kapangyarihan at awtoridad na magpalayas ng mga demonyo*+ at magpagaling ng mga sakit.+ 2 At isinugo niya sila para ipangaral ang Kaharian ng Diyos at magpagaling,

  • Lucas 10:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Pagkatapos, masayang bumalik ang 70 at sinabi nila: “Panginoon, maging ang mga demonyo ay napapasunod namin sa pamamagitan ng pangalan mo.”+

  • Gawa 16:16-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Minsan, nang papunta kami sa lugar kung saan nagtitipon ang mga tao para manalangin, nakasalubong namin ang isang alilang babae na sinasapian ng masamang espiritu, isang demonyo ng panghuhula.+ Malaki ang kinikita ng mga amo niya dahil sa panghuhula niya. 17 Ang babaeng ito ay sunod nang sunod kay Pablo at sa amin, at isinisigaw niya: “Ang mga lalaking ito ay mga alipin ng Kataas-taasang Diyos+ at inihahayag nila sa inyo ang daan ng kaligtasan.” 18 Maraming araw niya itong ginawa. Kaya nagsawa na si Pablo, at sinabi niya sa masamang espiritu: “Sa ngalan ni Jesu-Kristo, inuutusan kitang lumabas sa kaniya.” At noon din ay lumabas ito.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share