-
Marcos 3:16-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 At ang 12+ pinili* niya ay si Simon, na binigyan din niya ng pangalang Pedro,+ 17 si Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kapatid ni Santiago (binigyan din niya ang mga ito ng pangalang Boanerges, na nangangahulugang “Mga Anak ng Kulog”),+ 18 si Andres, si Felipe, si Bartolome,+ si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Cananeo, 19 at si Hudas Iscariote, na bandang huli ay nagtraidor sa kaniya.
Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa isang bahay,
-
-
Lucas 6:13-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Nang umaga na, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili sa kanila ng 12, at tinawag niya silang mga apostol:+ 14 si Simon na tinawag din niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, si Santiago, si Juan, si Felipe,+ si Bartolome, 15 si Mateo, si Tomas,+ si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na tinatawag na “masigasig,” 16 si Hudas na anak ni Santiago, at si Hudas Iscariote na naging traidor.
-