11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig dahil nagsisisi kayo.+ Pero ang dumarating na kasunod ko+ ay mas malakas kaysa sa akin, at hindi man lang ako karapat-dapat na mag-alis ng sandalyas niya.+ Ang isang iyon ay magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng banal na espiritu+ at ng apoy.+
15 (Nagpatotoo si Juan tungkol sa kaniya, oo, isinigaw niya: “Siya ang tinutukoy ko nang sabihin ko, ‘Ang isa na dumarating na kasunod ko ay naging mas dakila sa akin, dahil una siyang umiral sa akin.’”)+