-
Marcos 2:23-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 Isang araw ng Sabbath, habang naglalakad si Jesus at ang mga alagad niya sa gitna ng bukid, ang mga alagad niya ay namitas ng mga uhay ng butil.+ 24 Kaya sinabi sa kaniya ng mga Pariseo: “Tingnan mo! Bakit nila ginagawa ang ipinagbabawal kapag Sabbath?” 25 Pero sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang wala siyang makain at magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 26 Sa ulat tungkol sa punong saserdoteng si Abiatar,+ pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang mga tinapay na panghandog, na hindi puwedeng kainin ng sinuman maliban sa mga saserdote.+ Binigyan din niya nito ang mga lalaking kasama niya.” 27 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Nagkaroon ng Sabbath alang-alang sa mga tao,+ at hindi ng tao alang-alang sa Sabbath. 28 Kaya ang Anak ng tao ay Panginoon maging ng Sabbath.”+
-
-
Lucas 6:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Isang araw ng Sabbath, habang dumadaan siya sa gitna ng bukid, ang mga alagad niya ay pumipitas ng mga uhay ng butil+ at ikinikiskis ang mga ito sa mga kamay nila para kainin.+ 2 Kaya sinabi ng ilang Pariseo: “Bakit ninyo ginagawa ang ipinagbabawal kapag Sabbath?”+ 3 Pero sinabi ni Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, tinanggap ang mga tinapay na panghandog, kinain ang mga iyon, at binigyan din niya ang mga lalaking kasama niya. Hindi iyon puwedeng kainin ng sinuman dahil para lang iyon sa mga saserdote.”+ 5 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Ang Anak ng tao ay Panginoon ng Sabbath.”+
-