Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 6:21-29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Nakahanap ng pagkakataon si Herodias nang maghanda si Herodes ng hapunan sa kaarawan+ niya at imbitahan ang kaniyang matataas na opisyal at mga kumandante ng militar at ang pinakaprominenteng mga lalaki sa Galilea.+ 22 At pumasok ang anak na babae ni Herodias at sumayaw at napasaya si Herodes at ang mga kumakaing* kasama niya. Sinabi ng hari sa dalaga: “Hingin mo kung ano ang gusto mo, at ibibigay ko iyon sa iyo.” 23 Sumumpa pa nga siya: “Anuman ang hingin mo sa akin, ibibigay ko sa iyo, kahit kalahati ng kaharian ko.” 24 Kaya lumabas siya at sinabi sa kaniyang ina: “Ano po ang hihingin ko?” Sinabi nito: “Ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo.” 25 Agad-agad siyang pumunta sa hari at hiniling niya rito: “Gusto kong ibigay ninyo sa akin ngayon din sa isang bandehado ang ulo ni Juan Bautista.”+ 26 Lungkot na lungkot ang hari, pero hindi niya matanggihan ang dalaga dahil sa sumpang binitiwan niya sa harap ng mga bisita.* 27 Kaya nagsugo agad ang hari ng isang sundalo at inutusan ito na dalhin ang ulo ni Juan. Kaya umalis ito at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan 28 at dinala ang ulo nito na nasa isang bandehado. Ibinigay niya ito sa dalaga, at ibinigay naman ito ng dalaga sa kaniyang ina. 29 Nang malaman ito ng mga alagad ni Juan, kinuha nila ang bangkay niya at inilibing.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share