Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 9:2-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago, at Juan, at umakyat sila sa isang napakataas na bundok nang sila-sila lang. At nagbago ang kaniyang anyo sa harap nila;+ 3 at ang damit niya ay kuminang sa kaputian. Walang sinuman sa lupa ang makapagpapaputi sa damit nang gayon. 4 Nagpakita rin sa kanila sina Elias at Moises, at nakikipag-usap ang mga ito kay Jesus. 5 Sinabi ni Pedro kay Jesus: “Rabbi, mabuti at narito kami. Puwede ba kaming magtayo ng tatlong tolda, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias?” 6 Ang totoo, hindi alam ni Pedro kung ano ang sasabihin niya, dahil takot na takot sila. 7 At isang ulap ang nabuo at lumilim sa kanila. Pagkatapos, isang tinig+ mula sa ulap ang nagsabi: “Ito ang Anak ko, ang minamahal ko.+ Makinig kayo sa kaniya.”+ 8 At pagtingin nila sa paligid, si Jesus na lang ang nakita nila.

  • Lucas 9:28-36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Sa katunayan, mga walong araw pagkatapos niyang sabihin ang mga ito, isinama niya sina Pedro, Juan, at Santiago at umakyat siya sa bundok para manalangin.+ 29 Habang nananalangin siya, nagbago ang anyo ng mukha niya at kuminang sa kaputian* ang damit niya. 30 At biglang may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kaniya, sina Moises at Elias. 31 Ang mga ito ay nagpakita taglay ang kaluwalhatian at nagsalita tungkol sa pag-alis ni Jesus, na malapit nang mangyari* sa Jerusalem.+ 32 Si Pedro at ang dalawa pang alagad ay natutulog, pero nang magising sila, nakita nila ang kaluwalhatian niya+ at ang dalawang lalaki na nakatayong kasama niya. 33 Nang iiwan na ng dalawang lalaking ito si Jesus, sinabi ni Pedro: “Guro, mabuti at narito kami. Puwede ba kaming magtayo ng tatlong tolda, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias?” Hindi niya alam ang sinasabi niya. 34 Pero habang sinasabi niya ito, nabuo ang isang ulap at lumilim sa kanila.+ Nang mapaloob sila sa ulap, natakot sila. 35 At isang tinig+ mula sa ulap ang nagsabi: “Ito ang Anak ko, ang isa na pinili.+ Makinig kayo sa kaniya.”+ 36 Habang naririnig nila ang tinig, nakita nilang nag-iisa na si Jesus. Pero nanatili silang tahimik, at sa loob ng ilang panahon ay wala silang pinagsabihan ng mga nakita nila.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share