-
Daniel 9:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
27 “At para sa marami, pananatilihin niyang may bisa ang tipan sa loob ng isang linggo; at sa kalagitnaan ng linggo, patitigilin niya ang paghahain at ang pag-aalay ng handog na kaloob.+
“At ang dahilan ng pagkatiwangwang ay darating na nakasakay sa pakpak ng kasuklam-suklam na mga bagay;+ at hanggang sa paglipol, ang naipasiya ay sasapitin din ng* isa na nakatiwangwang.”
-
-
Marcos 13:14-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 “Gayunman, kapag nakita ninyong ang kasuklam-suklam na bagay na dahilan ng pagkatiwangwang+ ay nakatayo kung saan hindi dapat (kailangan itong unawain ng mambabasa), ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan.+ 15 Ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba o pumasok sa bahay niya para kumuha ng anuman;+ 16 at ang nasa bukid ay huwag nang bumalik sa mga bagay na naiwan niya para kunin ang balabal niya. 17 Kaawa-awa ang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng sanggol sa mga araw na iyon!+ 18 Patuloy na ipanalanging hindi ito matapat sa taglamig;
-