-
Mateo 14:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Nang panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tagapamahala ng distrito ang tungkol kay Jesus,+ 2 at sinabi niya sa mga lingkod niya: “Siya si Juan Bautista na binuhay-muli kaya nakagagawa siya ng mga himala.”*+ 3 Inaresto ni Herodes si Juan at iginapos ito at ipinabilanggo dahil kay Herodias, na asawa ng kapatid niyang si Felipe,+ 4 dahil sinasabi ni Juan kay Herodes: “Hindi tamang gawin mo siyang asawa.”+ 5 Pero kahit gustong patayin ni Herodes si Juan, natatakot siya sa mga tao dahil propeta ang turing nila rito.+
-
-
Lucas 9:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 At nabalitaan ni Herodes na tagapamahala ng distrito ang tungkol sa lahat ng nangyayari, at gulong-gulo ang isip niya dahil may nagsasabi na binuhay-muli si Juan,+ 8 sinasabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at ayon sa iba pa, muling nabuhay ang isa sa mga sinaunang propeta.+ 9 Sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko ng ulo si Juan.+ Kaya sino ang taong ito? Marami na akong nababalitaan tungkol sa kaniya.” Kaya gusto niyang makita siya.+
-