Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 14:15-21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang mga alagad at sinabi nila: “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na; paalisin mo na ang mga tao para makapunta sila sa mga nayon at makabili ng makakain nila.”+ 16 Pero sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi nila kailangang umalis; bigyan ninyo sila ng makakain.” 17 Sinabi nila sa kaniya: “Limang tinapay lang at dalawang isda ang mayroon tayo.” 18 Sinabi niya: “Dalhin ninyo sa akin ang mga iyon.” 19 Pagkatapos, pinaupo niya ang mga tao sa damuhan. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, at pagtingala sa langit, nanalangin siya.+ Matapos pagpira-pirasuhin ang mga tinapay, ibinigay niya ang mga iyon sa mga alagad, at ibinigay naman iyon ng mga alagad sa mga tao. 20 Kaya kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natirang mga piraso, 12 basket ang napuno nila.+ 21 Ang kumain ay mga 5,000 lalaki, bukod pa sa mga babae at mga bata.+

  • Lucas 9:12-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang 12 apostol at sinabi: “Paalisin mo na ang mga tao para makahanap sila ng matutuluyan at makabili ng pagkain sa kalapít na mga nayon at bayan, dahil nasa liblib na lugar tayo.”+ 13 Pero sinabi niya: “Bigyan ninyo sila ng makakain.”+ Sinabi nila: “Limang tinapay lang at dalawang isda ang mayroon tayo, maliban na lang kung aalis kami at bibili ng pagkain para sa lahat.” 14 Sa katunayan, may mga 5,000 lalaki roon. Pero sinabi niya sa mga alagad niya: “Igrupo ninyo sila nang mga lima-limampu at paupuin.” 15 Sumunod sila at pinaupo ang lahat. 16 At kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nanalangin.* Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. 17 Kaya kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natira, 12 basket ang napuno.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share