Mateo 6:6 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral) 6 Sa halip, kapag mananalangin ka, pumasok ka sa isang silid sa iyong bahay, isara mo ang pinto, at saka ka manalangin sa iyong Ama sa langit.*+ At ang iyong Ama na nakakakita ng lahat ng bagay ang gaganti sa iyo. Mateo 14:23 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral) 23 Matapos niyang gawin ito, umakyat siya sa bundok nang mag-isa para manalangin.+ Ginabi siyang mag-isa roon. Marcos 1:35 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral) 35 Kinaumagahan, habang madilim pa, bumangon siya at lumabas papunta sa isang liblib na lugar; at nagsimula siyang manalangin doon.+ Lucas 6:12 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral) 12 Nang mga panahong iyon, pumunta siya sa bundok para manalangin,+ at buong gabi siyang nanalangin sa Diyos.+ Juan 6:15 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral) 15 Kaya dahil alam ni Jesus na papalapit na sila para kunin siya at gawing hari, muli siyang umalis+ na nag-iisa papunta sa bundok.+
6 Sa halip, kapag mananalangin ka, pumasok ka sa isang silid sa iyong bahay, isara mo ang pinto, at saka ka manalangin sa iyong Ama sa langit.*+ At ang iyong Ama na nakakakita ng lahat ng bagay ang gaganti sa iyo.
23 Matapos niyang gawin ito, umakyat siya sa bundok nang mag-isa para manalangin.+ Ginabi siyang mag-isa roon.
35 Kinaumagahan, habang madilim pa, bumangon siya at lumabas papunta sa isang liblib na lugar; at nagsimula siyang manalangin doon.+
12 Nang mga panahong iyon, pumunta siya sa bundok para manalangin,+ at buong gabi siyang nanalangin sa Diyos.+
15 Kaya dahil alam ni Jesus na papalapit na sila para kunin siya at gawing hari, muli siyang umalis+ na nag-iisa papunta sa bundok.+