Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 15:38, 39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 38 “Sabihin mo sa mga Israelita na gumawa ng mga palawit para sa laylayan ng mga kasuotan nila sa lahat ng henerasyon nila, at dapat silang maglagay ng asul na panali sa ibabaw ng palawit sa laylayan.+ 39 ‘Dapat kayong magkaroon ng palawit na ito para kapag nakita ninyo ito, maaalaala ninyo ang lahat ng utos ni Jehova at susundin ang mga iyon.+ Huwag ninyong sundin ang inyong puso at mata, na aakay sa inyo na maging di-tapat sa akin.*+

  • Mateo 9:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 At isang babaeng 12 taon nang dinudugo+ ang lumapit sa likuran niya at hinipo nito ang palawit* ng damit niya,+

  • Marcos 5:25-28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 Ngayon, may isang babae na 12 taon nang dinudugo.+ 26 Nahirapan siya sa kamay ng maraming manggagamot at naubos na ang lahat ng pag-aari niya, pero hindi bumuti ang kondisyon niya, sa halip, lumala pa ito. 27 Nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, nakipagsiksikan siya sa mga tao at lumapit sa likuran ni Jesus at hinipo ang damit nito,+ 28 dahil paulit-ulit niyang sinasabi: “Mahipo ko lang kahit ang damit niya, gagaling* ako.”+

  • Lucas 8:43, 44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 43 At may isang babae na 12 taon nang dinudugo,+ at walang makapagpagaling sa kaniya.+ 44 Lumapit ang babae sa likuran ni Jesus at hinipo ang palawit* ng damit niya,+ at huminto agad ang pagdurugo niya.

  • Gawa 19:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 At ang Diyos ay patuloy na gumagawa ng pambihirang mga himala sa pamamagitan ni Pablo;+ 12 maging ang mga tela at damit na nadikit sa kaniya ay dinadala sa mga may sakit+ at gumagaling sila at lumalabas din ang masasamang espiritu.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share