-
Mateo 15:15-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Sinabi ni Pedro sa kaniya: “Ipaliwanag mo sa amin ang ilustrasyon.”+ 16 Kaya sinabi ni Jesus: “Kayo rin ba ay hindi pa nakauunawa?+ 17 Hindi ba ninyo alam na anumang pumapasok sa bibig ay dumadaan sa tiyan at inilalabas ng katawan? 18 Pero anumang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso, at iyon ang nagpaparumi sa isang tao.+ 19 Halimbawa, nanggagaling sa puso ang masasamang kaisipan:+ pagpatay, pangangalunya, seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, di-totoong testimonya, pamumusong.* 20 Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa isang tao; pero ang kumain nang hindi muna naghuhugas ng kamay ay hindi nagpaparumi sa isang tao.”
-
-
Lucas 8:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Pero tinanong siya ng mga alagad niya kung ano ang kahulugan ng ilustrasyong ito.+ 10 Sinabi niya: “Pinahintulutan kayong maintindihan ang mga sagradong lihim ng Kaharian ng Diyos, pero para sa iba, mga ilustrasyon lang ito,+ nang sa gayon, kahit tumitingin sila, walang saysay ang pagtingin nila, at kahit nakikinig sila, wala silang maiintindihan.+
-