-
Mateo 18:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Pagkatapos, ang mga alagad ay lumapit kay Jesus at nagsabi: “Sino talaga ang pinakadakila* sa Kaharian ng langit?”+ 2 Kaya tinawag niya ang isang bata at pinatayo sa gitna nila. 3 Sinabi niya: “Sinasabi ko sa inyo, malibang kayo ay magbago* at maging gaya ng mga bata,+ hinding-hindi kayo makakapasok sa Kaharian ng langit.+ 4 Kaya ang sinumang magpapakababa na gaya ng batang ito ang siyang pinakadakila sa Kaharian ng langit;+ 5 at ang sinumang tumatanggap sa isang batang gaya nito alang-alang sa akin ay tumatanggap din sa akin.+
-
-
Lucas 9:46-48Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
46 Pagkatapos, nagtalo-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila.*+ 47 Dahil alam ni Jesus ang laman ng puso nila, pinatayo niya sa tabi niya ang isang bata 48 at sinabi sa kanila: “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap din sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin.+ Dahil ang gumagawing gaya ng isang nakabababa sa gitna ninyong lahat ang talagang dakila.”+
-
-
Lucas 22:24-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 Gayunman, nagkaroon ng matinding pagtatalo-talo sa gitna nila kung sino sa kanila ang pinakadakila.*+ 25 Pero sinabi niya: “Ang mga hari ng mga bansa ay nag-aastang panginoon sa mga nasasakupan nila, at ang mga may awtoridad sa mga tao ay tinatawag na mga Pilantropo.+ 26 Pero hindi kayo dapat maging gayon,+ kundi ang pinakadakila sa inyo ay dapat na maging gaya ng pinakabata,+ at ang nangunguna ay dapat na maging gaya ng naglilingkod.+
-