-
Mateo 21:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
21 Nang malapit na sila sa Jerusalem at makarating sa Betfage sa Bundok ng mga Olibo,+ nagsugo si Jesus ng dalawang alagad.+ 2 Sinabi niya sa kanila: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at makakakita kayo agad ng isang asnong nakatali, kasama ang isang bisiro.* Kalagan ninyo ang mga ito at dalhin sa akin. 3 Kung may magtanong sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kailangan ng Panginoon ang mga ito.’ At agad niyang ipadadala ang mga ito.”
-
-
Lucas 19:29-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania sa bundok na tinatawag na Bundok ng mga Olibo,+ isinugo niya ang dalawa sa mga alagad niya+ 30 at sinabi: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at pagdating ninyo roon, may makikita kayong isang bisiro na nakatali at hindi pa nasasakyan ng sinuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Pero kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan?’ sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon.’” 32 Kaya umalis ang mga isinugo at nakita nila ito gaya ng sinabi niya sa kanila.+ 33 Pero habang kinakalagan nila ang bisiro, sinabi sa kanila ng mga may-ari nito: “Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?” 34 Sinabi nila: “Kailangan ito ng Panginoon.”
-