-
Mateo 22:42-45Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
42 “Ano ang tingin ninyo sa Kristo? Kaninong anak siya?” Sumagot sila: “Kay David.”+ 43 Tinanong niya sila: “Kung gayon, bakit siya tinawag ni David na Panginoon? Sinabi ni David udyok ng banal na espiritu:+ 44 ‘Sinabi ni Jehova sa Panginoon ko: “Umupo ka sa kanan ko hanggang sa ilagay ko ang mga kaaway mo sa ilalim ng iyong mga paa.”’+ 45 Ngayon, kung tinatawag siya ni David na Panginoon, paano siya naging anak ni David?”+
-
-
Lucas 20:41-44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
41 Siya naman ang nagtanong sa kanila: “Bakit sinasabi ng mga tao na ang Kristo ay anak ni David?+ 42 gayong sinabi mismo ni David sa aklat ng mga Awit, ‘Sinabi ni Jehova sa Panginoon ko: “Umupo ka sa kanan ko 43 hanggang sa ang mga kaaway mo ay gawin kong tuntungan ng mga paa mo.”’+ 44 Tinawag siya ni David na Panginoon, kaya paano siya naging anak ni David?”
-