Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 9:10-13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Pagkatapos, habang kumakain siya* sa bahay, maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang dumating at kumaing* kasama ni Jesus at ng mga alagad niya.+ 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa mga alagad niya: “Bakit kumakain ang guro ninyo kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”+ 12 Nang marinig sila ni Jesus, sinabi niya: “Ang malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit.+ 13 Kaya alamin ninyo ang kahulugan nito, ‘Ang gusto ko ay awa at hindi hain.’+ Dahil dumating ako para tawagin, hindi ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

  • Marcos 2:15-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Pagkatapos, kumain siya sa bahay nito. Maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang kumaing kasama ni Jesus at ng mga alagad niya. Marami sa kanila ang sumunod sa kaniya.+ 16 Pero nang makita ng mga eskriba ng mga Pariseo na kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at mga maniningil ng buwis, sinabi nila sa mga alagad niya: “Kumakain siyang kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?” 17 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila: “Ang malalakas ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit. Dumating ako para tawagin, hindi ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share