Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 19:16-22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Pagkatapos, may lalaking lumapit sa kaniya at nagsabi: “Guro, anong kabutihan ang dapat kong gawin para magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?”+ 17 Sinabi ni Jesus: “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? May Isa lang na mabuti.+ Pero kung gusto mong tumanggap ng buhay, patuloy mong sundin ang mga utos.”+ 18 Sinabi sa kaniya ng lalaki: “Aling mga utos?” Sinabi ni Jesus: “Huwag kang papatay,+ huwag kang mangangalunya,+ huwag kang magnanakaw,+ huwag kang tetestigo nang may kasinungalingan,+ 19 parangalan* mo ang iyong ama at ina,+ at dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.”+ 20 Sinabi sa kaniya ng lalaki: “Sinusunod ko ang lahat ng iyan; ano pa ang kailangan kong gawin?” 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Kung gusto mong maging perpekto, ipagbili mo ang mga pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit;+ pagkatapos, sumama ka sa akin, at maging tagasunod kita.”+ 22 Nang marinig ito ng lalaki, malungkot siyang umalis, dahil marami siyang pag-aari.+

  • Marcos 10:17-22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Habang naglalakad siya, isang lalaki ang tumakbo palapit sa kaniya at lumuhod sa harap niya. Nagtanong ito: “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin para tumanggap* ng buhay na walang hanggan?”+ 18 Sinabi ni Jesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Isa lang ang mabuti, ang Diyos.+ 19 Alam mo ang mga utos: ‘Huwag kang papatay,+ huwag kang mangangalunya,+ huwag kang magnanakaw,+ huwag kang tetestigo nang may kasinungalingan,+ huwag kang mandaraya,+ parangalan* mo ang iyong ama at ina.’”+ 20 Sinabi sa kaniya ng lalaki: “Guro, sinusunod ko ang lahat ng iyan mula pa sa pagkabata.” 21 Tumingin si Jesus sa kaniya at nakadama ng pagmamahal sa kaniya. Sinabi ni Jesus: “May isa ka pang kailangang gawin: Ipagbili mo ang mga pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; pagkatapos, sumama ka sa akin, at maging tagasunod kita.”+ 22 Nang marinig ito ng lalaki, nanlumo siya at malungkot na umalis, dahil marami siyang pag-aari.

  • Lucas 10:25-28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 At isang lalaki na eksperto sa Kautusan ang tumayo para subukin siya at nagsabi: “Guro, ano ang kailangan kong gawin para magmana ako ng buhay na walang hanggan?”+ 26 Sinabi niya sa lalaki: “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang naintindihan mo sa nabasa mo?” 27 Sumagot ito: “‘Dapat mong ibigin si Jehova na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong lakas mo at nang buong pag-iisip mo’+ at ‘ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’”+ 28 Sinabi niya rito: “Tama ang sagot mo; patuloy mong gawin ito at magkakaroon ka ng buhay.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share