Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Daniel 3:17, 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Kung ihahagis kami sa nagniningas na hurno, kaya kaming iligtas ng Diyos na pinaglilingkuran namin mula roon at mula sa iyong kamay, O hari.+ 18 Pero kung hindi man niya kami iligtas, gusto naming malaman mo, O hari, na hindi pa rin kami maglilingkod sa iyong mga diyos o sasamba sa gintong imahen na itinayo mo.”+

  • Malakias 3:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 “Mananakawan ba ng isang tao ang Diyos? Pero ninanakawan ninyo ako.”

      At sinasabi ninyo: “Paano ka namin ninakawan?”

      “Sa mga ikapu* at sa mga abuloy.

  • Mateo 22:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Sinabi nila: “Kay Cesar.” Kaya sinabi niya sa kanila: “Kung gayon, ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, pero sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”+

  • Marcos 12:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Kaya sinabi ni Jesus: “Ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar,+ pero sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”+ At namangha sila sa kaniya.

  • Lucas 23:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Pagkatapos, inakusahan nila siya:+ “Inililigaw ng taong ito ang mga kababayan namin, ipinagbabawal ang pagbabayad ng buwis kay Cesar,+ at sinasabing siya ang Kristo na hari.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share