-
Daniel 9:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
26 “Pagkalipas ng 62 linggo, papatayin ang Mesiyas,+ at walang anumang matitira sa kaniya.+
“At ang lunsod at ang banal na lugar ay wawasakin ng mga hukbo* ng isang paparating na pinuno.+ Magwawakas ito na para bang may dumating na baha. At hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digmaan; ang naipasiya ay pagkawasak.+
-
-
Gawa 4:27, 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
27 At nagtipon nga sa lunsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato+ kasama ang mga tao ng ibang mga bansa at ang mga Israelita para kalabanin ang iyong banal na lingkod na si Jesus, na iyong pinili.+ 28 Nagtipon sila para gawin ang inihula mo. Nangyari ang mga ito dahil sa iyong kapangyarihan* at layunin.+
-