-
Juan 13:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Dahil alam ni Jesus na ibinigay na sa kaniya ng Ama* ang lahat ng bagay at na nanggaling siya sa Diyos at pupunta siya sa Diyos,+ 4 umalis siya sa mesa at hinubad ang balabal niya. Kumuha siya ng tuwalya at itinali iyon sa baywang niya.+ 5 Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana at hinugasan niya ang mga paa ng mga alagad at tinuyo ang mga iyon ng tuwalyang nakatali sa kaniya.+
-