-
Mateo 28:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Sinabi ngayon ng anghel sa mga babae: “Huwag kayong matakot. Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa tulos.+ 6 Wala siya rito, dahil binuhay siyang muli, gaya ng sinabi niya.+ Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kaniya. 7 At magmadali kayo at sabihin ninyo sa mga alagad niya na binuhay siyang muli at papunta na siya sa Galilea.+ Doon ninyo siya makikita. Ngayon, nasabi ko na sa inyo.”+
-
-
Marcos 16:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Pagpasok nila sa libingan, nakita nila ang isang lalaki na nakaupo sa gawing kanan at nakasuot ng mahabang damit na puti, kaya natakot sila at natigilan. 6 Sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong matakot.+ Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na Nazareno na ipinako sa tulos. Binuhay siyang muli,+ at wala siya rito. Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kaniya.+ 7 Pumunta kayo sa mga alagad niya at kay Pedro at sabihin ninyo sa kanila, ‘Papunta na siya sa Galilea.+ Doon ninyo siya makikita, gaya ng sinabi niya sa inyo.’”+
-